personal blogs
Miyerkules, Hulyo 17, 2013
Family
Ito ang aking pamilya, magulo pero masaya parang 4b lang, walang magagawa eh ganon talaga. Walang picture diyan papa ko pano kasi camera shy yon, joke haha kj kasi yon eh kaya taga picture lang siya.
KAIBIGAN!!!




Kaibigan, sila yong taong pinakamahalaga sa akin bukod sa pamilya ko, sila yong para mo nang kapatid kahit di mo kaano-ano, sila yong parating nandyan pag kailangan mo at higit sa lahat sila yong magbabangon sayo pag nalulugmok ka sa problema mo, kaya mahal na mahal ko tong mga kaibigan ko eh. Di ko nga alam gagawin pag nawala sila sa buhay ko (charot naman). Di kasi halata sa akin kung gaano sila kahalaga kasi di ko pinapahalata pero sana naman alam nila kung gaano ako kasaya na meron akong matatawag na kaibigan na gaya nila. :)
Certified IV-B
Ito ang seksyon na di ko malilimutan, isang seksyon na magulo, maingay, di mawawalan ng away pero bati din agad, di mauubusan ng kalokohan, palaging masaya, laging napagsasabihan, medyo tamad, seryoso (kailan pa???), walang kj, lumalaban ng di nag-iisa dahil away ng isa away ng lahat kaya damay damay na at higit sa lahat dito ako nabibilang.
Hindi ko alam kung bakit pero sa totoo lang napakasaya ko na napabilang ako sa seksyon na ito, kung pwede nga lang kami pa ri ang magkaklase sa college eh kaya lang di pwede.
Hindi ko alam kung bakit pero sa totoo lang napakasaya ko na napabilang ako sa seksyon na ito, kung pwede nga lang kami pa ri ang magkaklase sa college eh kaya lang di pwede.
Pagkain!!!!
Naku talagang pag pagkain ang pag-uusapan ay di ako pahuhuli diyan, sa amin nga eh hindi na ako nag-iintay na sabihin ni mamang nakahanda na ang lamesa, ala ako'y nagsasarili na. Ewan ko nga ba ang bilis kong makaramdam ng gutom eh sabay pag nakaramdam ako gora agad sa food kaya ang taba taba ko na eh pero wala sa plano ko ang magdieta as long as food exist hahaha :))). Tapos pag may handaan ang una kong hinahanap ay spaghetti at fried chicken pag meron non masaya na ako haha.
Basketball!!!
Noong bakasyon bukod sa paggigitara ito lang ang libangan ko, haha panlalaki no, wala akong magagawa eh basta paborito ko yang larong yan, pero hindi ibig sabihin non na tomboy ako ha mahilig lang talaga sa basketball at yon na yon :).
Pero bukod sa basketball hilig ko rin ang maglaro ng badminton, baseball, piko, patentero, bang sak, tumbang preso at tinayaan puro kasi bata kapitbahay ko eh kaya ang mga laro ko pambata rin.
Pero bukod sa basketball hilig ko rin ang maglaro ng badminton, baseball, piko, patentero, bang sak, tumbang preso at tinayaan puro kasi bata kapitbahay ko eh kaya ang mga laro ko pambata rin.
Guitar!!!!!!!!!!!!!!!!
Gitara, 2nd year ako nong magkaroon ako ng gitara. December 26, 2011 at ngayon lumang luma na ang itsura niya kahit dalwang taon pa lang siya sa akin, para ngang mas matanda na sa akin yon burara kasi ako eh, kulay black yon sabay yong mga strings niya puro kalawang tas di ko pa napapalitan kaya masakit gamitin. Nagagamit ko lang naman yon pag wala akong magawa pero kahit ganon yon mahalaga sa akin yon magkapangalan kami non eh, Ej din kasi pinangalan ko sa kanya, Emil Jan naman ibig sabihin.
Kanta!!!!!
Hilig ko talaga ang makinig ng musika, minsan nakanta rin pag may time :) haha. Marami akong hinahangaang singer gaya nalang nina Neyo, Sarah Geronimo, Austine Mahone, Nikki Gil, Arnel Pineda, Sharon Cuneta, Adelle, Rihanna, Erik Santos, Gloc 9, Bruno Mars at marami pang iba. Tapos marami rin akng paboritong awitin unang una na dyan ang So Sick ni Neyo sabay Gitara ng Parokya ni Edgar tsaka Count on Me ni Bruno Mars.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)





